Friday, July 10, 2009

Kasabihan #1: "Kung Maigsi ang Kumot, Matutong Mamaluktot"

TuwaBihan:
"Kung Maigsi ang Kumot, Matutong Mamaluktot! Pero kung may comforter, buksan ang aircon"


Tayong mga Pinoy ay napakasipag. Trabaho dito, trabaho dun. Kayod sa umaga, kayod sa gabi. 8-5 na nga ang trabaho, may sideline pa ng pagtitinda sa tabi. Hindi naman tayo suwapang, multi-tasking lang.

Kaya hindi ako naniniwalang mahirap ang buhay ng isang Pinoy, kasi tayo pag may konting pera nasa mall na. Ngayon kung nagkamali ng computation sa paggasta, natural eh di pulubi mode muna. Kung may pera na ulit, eh di ol hapi na naman.

Ganun tayo at guilty ako dun.

Maiksi lang ang buhay eh, kumayod tayo at gamitin natin ang pinaghirapan natin dito. Para ano pa kasi at nagtratrabaho tayo di ba? Eh di magpakasaya na!

Kaya yung mga nagsasabing mag-ipon para yumaman? Mga sinungaling yun kasi aanhin mo naman ang lahat ng yaman na yan, eh kung ang buhay ay napalungkot naman?

Sa tingin mo, totoo to?